DPWH

Tumulong na DPWH execs, napuri

Christian Supnad Feb 1, 2026
275 Views

BATAAN–Dalawang nilalang sa lalawigang ito ang tumutulong sa mga tao ng walang hinihinging kapalit kahit hindi sila residente ng Bataan.

Ang dalawa–sina District engineers (DE) Roland Rainier Victorino ng DPWH Bataan 2nd engineering district at John Paolo Tan, ng 1st

engineering district–maraming beses nang nakatulong.

Kamakailan lamang, isang babaeng lider ang humihingi ng financial support dahil meron silang convention.

Noong nakaraang linggo, isang bed-ridden na babae sa Abucay ang lumapit dahil hindi na siya makatayo limang taon matapos ma-stroke.

Inilapit kina Victorino at Tan ang kalagayan ng nakakaawang ina at agad na natulungan ng dalawa.

“Mabuhay kayo, Engrs. Victorino and Tan! You reversed the negative image of DPWH,” ayon sa isang mamamahayag.

Sabi ng isang journalist sa Bataan: “They are still young and yet they have a deep sense of integrity, credibility and are guided by their own moral compass.”