Tagumpay ng Kamara ibinida ni Speaker Bojie Dy
Jun 6, 2026
PRO 4A nagparangal sa chaplain
Jun 6, 2026
Calendar
Ipinakita ni Nueva Ecija police chief Col. Heryl Bruno ang CCTV footage ng pagbaril sa isang biker noong Nov. 22, 2025. STEVE GOSUICO
Provincial
Parak rumemate; hitman, kakutsaba sa pagpatay ipinakilala
Steve A. Gosuico
Feb 13, 2026
1266
Views



CABANATUAN CITY–Iprinisinta ng mga pulis dito sa media noong Huwebes ang hitman at dalawa pang kasabwat sa pamamaril at pagpatay sa 52-anyos na biker noong Nobyembre 22, 2025.
Kinilala ang biktima na si Ricardo Evaristo na pinatay sa Brgy. Dicarma ng syudad na ito dakong alas-5:30 ng umaga.
Ayon kay Nueva Ecija police chief Col. Heryl Bruno, nakilala ang gunman na si alyas Berting, 35, na naaresto bandang alas-9:30 ng gabi sa Brgy. Aduas Norte noong Pebrero 11.
Iniharap din sa media ang dalawang umano’y kasabwat ng hitman na sina alyas Onal, ang umano’y mastermind; at Pene na tumulong sa pagtatago ng ebidensya sa pagpatay.

