Calendar
Source: Nueva Ecija Police Provincial Office
PULIS NEPPO AGARANG SUMAKLOLO SA TRICYCLE DRIVER NA NASTROKE SA KALYE
CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City, Nueva Ecija – Ipinakita ng isang pulis ang Serbisyong Mabilis at Tapat nang agad siyang rumesponde sa isang tricycle driver na pinaniniwalaang na-stroke habang nagmamaneho sa kasagsagan ng trapiko sa Burgos Avenue, Cabanatuan City, umaga ng Pebrero 13, 2026.
Kinilala ang rumespondeng pulis na si PSMS Joel V Dimaun, na nakatalaga sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO). Habang nasa duty, napansin niya ang pagkakagulo ng ilang tao sa gilid ng kalsada, kaya agad niya itong nilapitan upang alamin ang sitwasyon.
Sa kanyang paglapit, nakita niya ang lalaking tricycle driver na wala nang malay habang nakaupo pa sa minamanehong tricycle. Agad siyang kumilos at, sa tulong ng isang mabuting sibilyan, naisakay ang biktima sa isang sasakyan at dinala sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
Pinuri ni PCol. Heryl ‘Daguit’ L. Bruno, Provincial Director ng NEPPO, ang kanyang tauhan sa mabilis at maagap na pagresponde, na aniya’y malinaw na patunay ng dedikasyon at taos-pusong pagtupad sa sinumpaang tungkulin.
Binigyang-diin din ni PCol. Bruno na ang ganitong uri ng paglilingkod ay nakaayon sa gabay ni PBGen. Ponce Rogelio I. Peñones , Regional Director ng PRO3, at sumasalamin sa patuloy na pagsuporta ng NEPPO sa PNP Focused Agenda sa ilalim ng pamumuno ng Chief, PNP, PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., na isinusulong ang adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
#ToServeAndProtect
#BagongPNPParaSaBagongPilipinas:SerbisyongMabilisTapatAtNararamdaman
#TeamDaguit

