Tagumpay ng Kamara ibinida ni Speaker Bojie Dy
Jun 6, 2026
PRO 4A nagparangal sa chaplain
Jun 6, 2026
Calendar
Source: Arminda Pasia Carandang FB
Provincial
15 pasahero sugatan matapos jeep mahulog sa bangin
Jojo Cesar Magsombol
Feb 13, 2026
493
Views
SUGATAN ang 15 pasahero noong Miyerkules matapos mahulog ang sinasakyan nilang jeep sa bangin sa Barangay Ibabao, Cuenca, Batangas.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-5:20 ng hapon papunta ang jeep na minamaneho ni alyas “Joemar,” 32-anyos, sa Lemery nang mag-lock ang manibela kaya nawalan ng kontrol ang drayber at nahulog sa malalim na bahagi ng highway.
Kabilang sa nasugatan ang 10 babae at tatlong lalaking pasahero na dinala sa Cuenca General Hospital para magamot.
Isa pang lalaki at babae ang dinala sa Martin Marasigan Memorial Hospital.
Nakakulong sa Cuenca police ang drayber.

