OFW

OFW buking na may kasong bigamy, arestado sa NAIA

Edd Reyes Feb 21, 2026
138 Views

INARESTO ng pulisya ang 56-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na may kinakaharap na kaso, may 14 taon na ang nakararaan, nang magtangkang lumabas ng bansa Biyernes ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Hindi nakalusot sa screening verification ang OFW nang makitang may nakabinbin siyang arrest order dahil sa kasong bigamy noon pang Nobyembre ng taong 2014 sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Philippine National Police Aviation Security Group (Avsegroup) Director P/BGen. Dionisio Bartolome Jr., patungo sana sa Singapore ang OFW nang isilbi sa kanya ng NAIA Police Station 1, Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region Field Unit (CIDG-NCRFU) at Southern Police District (SPD) ang arrest warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 8 para sa kasong bigamy.

“Airports are not exit points from accountability. We see to it that those with standing warrants face the full process of the law,” pahayag ni Bartolome.