BBM Source: Bongbong Marcos FB

PBBM: Wala pang naiulat na Pinoy casualties sa Middle East

258 Views

NAGBIGAY ng update si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kaugnay sa kalagayan ng mga Pilipino sa Middle East kasunod ng ulat ng pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran.

Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Marso 1, tiniyak ng Pangulo na sa pinakahuling datos ay wala pang naiulat na Pilipinong nasawi o nasugatan sa mga bansang apektado ng sigalot.

“As of 9:00 a.m., Sunday, wala po tayong natatanggap na report na may kaso ng casualty na Pilipino. Wala pong Pilipino ang namatay, walang Pilipino ang nasaktan,” ani Marcos.

Ayon pa sa Pangulo, patuloy ang monitoring at koordinasyon ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pang kababayan sa rehiyon.

Nanawagan din ang pamahalaan sa mga Pilipino roon na manatiling kalmado, sumunod sa advisories ng embahada, at makipag-ugnayan agad sa mga opisyal kung kinakailangan ng tulong.