Magsino1

Ex-party list solon nakiramay sa pamilya ng pumanaw na seafarer

Mar Rodriguez Jul 28, 2026
31 Views

NAKIRAMAY si dating OFW Party List congresswoman Marissa Magsino sa pamilya ng Pilipinong seafarer na nasawi matapos atakihin ng mga pirata ang kanilang barko sa Black Sea.

Ikinalungkot ni Magsino ang sinapit ng nasawing Pinoy seafarer.

Amimado ang dating solon na ang pagiging seafarer ay maituturing na “buwis buhay” dahil sa peligrong maaari nilang kaharapin sa ibang bansa habang naglalayag ang kanilang barko kabilang na dito ang walang habas na pag-atake ng mga pirata mula sa bansang Somalia.

Kasabay nito, bumisita ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ng isang Pilipinong seafarer na nasawi matapos ang mga pag-atake sa mga commercial vessel sa Black Sea.

Ayon sa DMW, nagtungo ang kanilang mga kinatawan sa Antique noong Hulyo 23 upang ipaabot ang pakikiramay ng pamahalaan at ang mensahe ng pakikidalamhati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa naulilang pamilya.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na inatasan siya ng Pangulo na tiyaking maibibigay ng pamahalaan ang kinakailangang tulong sa mga naulila.

Tiniyak din ni Cacdac na tutulong ang pamahalaan sa pagpapauwi ng labi ng seafarer sa Pilipinas.

Pinayuhan din ng kalihim ang pamilya na huwag munang lumagda sa anumang dokumento nang hindi kumukunsulta sa DMW at OWWA.