Tawi-Tawi drug bust 2 nasakote

Alfred Dalizon Mar 13, 2026
267 Views

DALAWANG pinaghihinalaang big time na tulak ang natiklo ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Tawi-Tawi noong Miyerkules at nabawi din ang P47 million na halaga ng shabu, ayon sa ulat.

Kinilala ni PDEA Director General, Undersecretary Isagani Nerez ang nahuli na sina alyas Alvin at Ben, 31.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nakumpiska sa dalawa ang 7 kilo ng shabu na nakasilid sa 7 teabags na may label na ‘Guanyinwang.’

Nakuha rin ang buy-bust money at cellphone na pinaniniwalaang ginagamit sa drug transaction.