2 nagbebenta ng droga, inaresto

Gil Aman Mar 14, 2026
257 Views

CAMP BGEN. PACIANO Rizal–Nalambat ang isang hinihinalang drug pusher ng Sta. Cruz police, ayon kay P/Col. Jonar Yupio, director ng Laguna police, noong Huwebes sa Brgy. Oogong Sta. Cruz, Laguna.

Kinilala ang suspek na si alyas Dondie, 45, bandang alas-6:00 ng gabi matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakuha sa suspek ang 15 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P102,000.00, isang P500 bill na ginamit na buy-bust money.

Naidokumento at naitala sa dalawang alternative recording device ang pagkakatiklo sa 2 suspek.

Nasa kustodiya ng Sta. Cruz police ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa dalawang suspek.