PCG Photo source: Jay Tarriela FB

Gobyerno siniguro kaligtasan ng PH mangingisda sa Bajo de Masinloc

Zaida Delos Reyes Mar 19, 2026
116 Views

NAGPADALA ng barko at eroplano ang Philippine Coast Guard o PCG sa Bajo de Masinloc kasunod ng ulat na hina-harass ng Chinese maritime forces ang mga mangingisdang Pinoy nitong Martes.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, nais ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga mangingisda at maghatid narin ng tulong sa lugar tulad ng pagkain, yelo at subsidiya sa gasolina.

Nauna rito, iniulat ng mga mangingisda sa lugar ang mapanganib na maniobra ng ilang China Coast Guard o CGG.

Gumamit din aniya ng sirena at maliliit na barko ang China para itaboy ang mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

Nagsagawa rin ng aerial patrol ang PCG kung saan namataan ng mga ito ang mga barko ng China at Pilipinas sa lugar.

Patuloy ang tensyon sa Bajo de Masinloc, na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.