Sandro House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos

Majo Marcos inireport record ng Kamara sa LEDAC

103 Views

MULA sa 52 na prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), 18 sa mga ito ang naipasa o naisulong na sa bicameral stage ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, bago mag-break para sa Holy Week.

Ayon sa mga lider ng Kamara, ipinapakita ng ganitong resulta ang agresibo ngunit disiplinadong pagtutulak upang maisulong ang mahahalagang panukala ng administrasyon.

Sinabi ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ng Ilocos Norte nitong Linggo na ipinakikita ng rekord ng Kamara sa LEDAC na hindi nito hinayaang pahinain ng session calendar ang momentum ng mga panukalang may kaugnayan sa repormang pang-ekonomiya, serbisyong publiko, edukasyon, pamamahala at social protection.

“A total of 18 priority measures already passed or moved to the bicam stage before the Holy Week break. Masigasig po ang inyong Kamara sa pagpasa ng mga prayoridad na panukala ng administrasyon. And so far, we are proud of what we have accomplished,” pahayag ni Marcos.

Muling pinuri ni Marcos si Speaker Dy sa pagpapanatiling nakatuon ng Kamara sa gawaing lehislatibo, at sinabing agarang kumilos ito dahil sa krisis sa Middle East na kinakaharap ng bansa.

“We even passed the bill giving the President the power to reduce or suspend the excise tax on petroleum products, dahil ito ang kailangan ng ating mga kababayan: immediate relief from high fuel prices and the corresponding increases in the costs of basic goods, transport and other commodities,” saad pa ni Marcos, isa sa principal author ng panukala.

Batay sa talaan ng House committee on rules hinggil sa LEDAC measures, ang 18 prayoridad na panukala na nakatawid na sa pinakamataas na antas ng proseso ng lehislasyon sa Kamara ay ang:

1. Resetting ng First Regular Elections in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na na-ratify na sa bicam.

2. National Center for Geriatric Health, na nasa ilalim na ng conference committee.

3. EPIRA Amendments: ERC Strengthening.

4. Waste-to-Energy.

5. Amendments sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act.

6. Assistance to Individuals in Crisis Situations Act.

7. Amendments sa National Building Code.

8. Blue Economy Act.

9. National Reintegration Bill.

10. Amendments sa Teachers Professionalization Act.

11. Extension ng Estate Tax Amnesty Period.

12. Department of Water Resources Bill.

13. Amendments sa Bank Deposits Secrecy Law.

14. Travel Tax Abolition.

15. Digital Payments Act.

16. Amendments sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

17. Presidential Merit Scholarship Program.

18. Amendments sa Biofuels Act.

Ang pinaka-advance sa 18 ay ang panukalang pag-reset ng halalan sa BARMM, na nakalusot na sa bicameral conference committee at siyang tanging ratipikadong ulat ng LEDAC conference committee ng Kamara sa ngayon.

Samantala, nananatili sa bicam ang panukalang National Center for Geriatric Health, kaya isang hakbang na lamang ito mula sa pinal na ratipikasyon ng parehong kapulungan.

Ayon kay Marcos, mahalaga ang dalawang panukalang nasa bicam stage sa magkaiba ngunit kapuwa agarang paraan — ang una dahil inaayos nito ang isang sensitibong usaping pampolitika at matagal nang naantalang iskedyul ng panrehiyong halalan, at ang ikalawa dahil may tuwirang implikasyon ito sa pampublikong kalusugan at pangangalaga sa mga nakatatanda.

Baka maipasa rin

Bukod sa 18, may mga panukalang mataas ang posibilidad na maipasa bago matapos ang First Regular Session: ang National Land Use Act at ang amendments sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act, partikular ang pagpapalakas at pagpapalawak nito.

Inilarawan ni Marcos ang mga ito bilang mahahalagang panukalang reporma na nasa pipeline pa rin at maaari pang madagdag sa pinal na tala ng sesyon ng Kamara.

May isa pang panukala na nasa Calendar of Business na at naghihintay ng aksiyon sa plenaryo: ang Anti-Political Dynasty. Ang pagkakasama nito sa kalendaryo ay nangangahulugang lagpas na ito sa antas ng komite at nakaposisyon na para sa debate sa plenaryo at posibleng aksiyon kung kakayanin ng oras.

Mga nakabinbin

Mayroon ding anim na panukalang LEDAC na naaprubahan na ng kani-kanilang mga komite at nakabinbin na para sa mga komento ng Committee on appropriations — isang yugto na madalas nagtatakda kung gaano kabilis maisusulong ang isang panukala sa plenaryo kapag nalinaw na ang fiscal questions. Ang mga ito ay ang:

1. Modernizing the Bureau of Immigration.

2. Amendments sa Magna Carta for MSMEs.

3. Disaster Risk Financing Insurance.

4. Classroom-Building Acceleration Program.

5. Reprogramming ng Seal of Good Local Governance.

6. Right to Information.

Ang natitirang malaking block ng 25 LEDAC measures na nasa ilalim pa ng technical working group o deliberasyon ng komite ay ang mga sumusunod:

1. Amendments sa Universal Health Care Act.

2. Pagbuo sa Independent People’s Commission.

3. Excise Tax on Single-Use Plastics.

4. Amendments sa Rice Tariffication Law.

5. Amendments sa Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act.

6. Philippine Civil Registration and Vital Statistics Act.

7. Pagpapalakas sa Bases Conversion and Development Authority.

8. Amendments sa Fisheries Code.

9. Amendments sa Local Government Code on the Special Education Fund.

10. Batas sa Online Gambling.

11. Cybersecurity Act.

12. Magna Carta for Barangays.

13. Amendments sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.

14. General Tax Amnesty.

15. Masterplan for Infrastructure and National Development.

16. Progressive Budgeting for Better and Modernized Governance Act.

17. Disqualifying Relatives of Officials within the Fourth Degree in Government Contracts.

18. Fair Use of Social Media, AI, and Internet Technology in Elections.

19. Amendments sa Downstream Oil Industry Deregulation Law.

20. Requiring Civil Servants to Waive Bank Secrecy.

21. Amendments sa Anti-Money Laundering Act.

22. Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability Act.

23. Party-list System Reform Act.

24. Anti-Fake News and Disinformation Act.

25. Amendments sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.

Ipinakikita rin ng mga tala ng Kamara na lumampas pa sa listahan ng LEDAC ang lawak ng gawain nito.

Mula Hulyo 28, 2025, hanggang Marso 18, 2026, naitala ng Bills and Index Service ang 8,705 panukalang batas sa Kamara at 927 resolusyon na inihain — na binubuo ng 905 House resolutions, limang House joint resolutions, 13 House concurrent resolutions at apat na resolusyon ng parehong kapulungan — para sa kabuuang 9,632 panukala at 233 ulat ng komite na na-file.

Para kay Marcos, mahalaga ang mga bilang na ito dahil mas malaki ang ipinahihiwatig ng mga ito kaysa sa dami lamang; ang output ng Kamara ay hindi lang dapat basahin na bilang ng mga papel na umusad mula sa isang yugto patungo sa iba, kundi bilang patunay na sa ilalim ng pamumuno ni Dy ay nananatiling tumatakbo ang makinaryang lehislatibo ng Kamara sa bilis na tumutugon sa mga pangangailangan ng sesyon.

“The numbers show a working House, but more important than the numbers is what they represent: laws in progress, reforms taking shape and a chamber that has kept moving even under a crowded calendar,” pahayag ni Marcos.

Dagdag pa niya, ang Holy Week break ay dapat ituring na isang pansamantalang paghinto, hindi pagbagal ng layuning lehislatibo, sapagkat babalik ang Kamara na may malinaw na hanay ng mga prayoridad na panukalang nakapuwesto na sa iba’t ibang yugto ng proseso.