Calendar
Kamara nakahandang kumilos para maghatid ng mga relief measures — Speaker Bojie Dy
TINITIYAK ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na nakahandang kumilos ang Kongreso para maghatid ng mga konkretong “relief measures” kasunod ng deklarasyon ni President Bongbong R. Marcos, Jr. ng state of national emergency.
“The House will move with the same urgency. Through targeted interventions, close oversight and real relief for our people,” angn pahayag ni Speaker Dy.
Binigyang diin ng House Speaker na kinakailangang kumilos agad ang Kamara de Representantes sa pamamagitan ng “legislative action” upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis at posibleng pagputol ng supply nito.
Nagpahayag naman ng buong suporta si Speaker Dy sa hakbang ni Pangulong Marcos, Jr. kung saan sinabi nito na ito ay napapanahon at kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang bansa mula sa lumalalang sigalot sa Middle East.
“President Bongbong Marcos moved with urgency because the th eat is real and immediate. This is about staying ahead of the crisis before it hits Filipino families harder,” sabi pa ni Dy.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 110. Isinailalim ng Pangulo ang bansa sa national energy emergency bunsod ng napipintong panganib sa suplay ng enerhiya ng bansa bunga ng pagdaigdigang pagkagambala at tumataas na presyo ng langis.
Ipinatutupad din ng EO No. 110, sabi pa ni Dy ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o UPLIFT bilang whole-of-government framework para matiyak ang matatag na supply chain, tuloy-tuloy na serbisyo at aktibidad sa ekonomiya.
Ayon pa kay Speaker Dy, ang deklarasyon ay nagpapahintulot sa gobyerno para kumilos ng mas mabilis upang maisguro ang mga linya ng supply ng langis mapanatiling tumatakbo ang mga pangunahing serbisyo ng walang abala.
“Kapag naantala ang suplay ng enerhiya. Hindi lang ilaw ang mawawala, pati transportasyon, pagkain at kabuhayan ang tatamaan. Kaya dapat tayong kumilos ng maagap at may buong pagpapasya. Walang dapat masayang na sandali,” dagdag pa ni Dy.

