Isko Larawan: Isko Moreno Domagoso/FB

2 kelot na nag-viral sa pagholdap ng babaeng rider, arestado agad

296 Views

DALAWANG suspek sa panghoholdap sa isang babaeng rider sa R-10, Tondo ang nasakote sa loob lamang ng limang oras, ayon kay Francisco Isko Moreno Domagoso.

Sa ulat ng Manila Public Information Office, mabilis na naaresto ang mga suspek sa tulong ng masusing imbestigasyon at koordinasyon ng mga awtoridad, kasunod ng insidente na naganap sa madaling araw.

Hindi itinago ni Yorme ang galit sa krimen, lalo na’t babae ang naging biktima. Binigyang-diin nito na walang puwang sa lungsod ang mga abusado at kriminal.

“Wala pang limang oras, tiklo agad ang dalawang sangkot sa holdapan sa R-10, Tondo,” ani Moreno.

Nagbabala rin ang alkalde: “Huwag ninyong susubukan ang Maynila. Sa oras na manggulo kayo at manamantala sa kapwa, hindi kayo makakalusot. Hahabulin kayo, tutugisin kayo, at pananagutin kayo sa batas.”

Tiniyak naman ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na patuloy ang paghihigpit sa seguridad at agarang pagtugon sa mga insidente upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga Manileño.

SOURCE: https://web.facebook.com/share/p/17A9SmaCkr/