Batangas

Parak-Batangas nakaaresto ng 966 violators sa batas

275 Views

Batangas1KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas–Umabot sa 966 na violators ng iba’t-ibang batas at polisiya ang naaresto na pinangunahan ni Batangas Police Provincial Office director P/Col. Meliton Salvadora, Jr. noong Huwebes.

Kasabay ng pagpapatupad ng Department of Local Government (DILG) Safer Cities initiative ang mga panghuhuli at bilang suporta sa focused agenda ng PNP.

Umabot naman sa 158 ang pinagmulta at 808 ang binalaan o pinalaya.

Ang lahat ng Component City/Municipal Police Stations ay nagpatupad ng city safety operations, na nakatutok sa pinaigting na pagpapatupad ng city at municipal ordinance.

Kasama sa mga paglabag ang 176 na pag-inom ng alak at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, 71 ang gumagala sa mga lansangan nang walang kamiseta, 41 ang gumagamit ng karaoke nang lampas sa pinapayagang oras, 385 ang mga menor-de-edad na lumalabag sa oras ng curfew at 293 para sa iba pang mga paglabag.

Ang Batangas PPO ay nagpapaalala sa publiko sa pagtataguyod ng kaligtasan ng komunidad sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga lokal na ordinansa.

Kabilang dito ang pagsunod sa mga itinalagang oras ng curfew para sa mga menor de edad, pag-iwas sa pampublikong pag-inom at pagsunod sa lahat ng mga regulasyon sa trapiko.