Sotto

Sotto muling itinulak oil reforms

78 Views

HABANG muling pinapabigat ng tumataas na presyo ng krudo ang badyet ng mga pamilya, muling iginiit ni Senate President Vicente C. Sotto III ang matagal na niyang paninindigan para sa oil reforms at energy security, at sinabing hindi dapat laging nalalantad ang mga Pilipino sa bawat global oil shock.

Binigyang-diin ni Sotto ang kanyang matagal nang mga hakbang sa lehislatura na naglalayong protektahan ang mga mamimili laban sa pabagu-bagong presyo ng krudo, kabilang ang pagsuporta sa suspensyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo at ang paghahain ng mga panukala gaya ng Total Repeal of Oil Deregulation Law at Philippine Strategic Petroleum Reserve Act.

Sinabi niya na nanatiling matatag ang kanyang posisyon sa pagbubuwis sa langis sa loob ng maraming taon, at inalala na hindi niya sinuportahan ang pagpasa ng Oil Deregulation Law at Electric Power Industry Reform Act.

“If you will recall, [in 1998] I did not vote in favor of oil deregulation, I did not vote in favor of EPIRA. I voted against that,” saad ni Sotto sa panayam kay Marichu Villanueva.

“I voted against the laws that I felt during that time would have a very difficult or potential impact on the country,” dagdag niya.

Sinabi niya na layunin ng panukalang Philippine Strategic Petroleum Reserve Act na magtatag ng government-owned at state-managed petroleum stockpile bilang bahagi ng pangmatagalang tugon sa pabagu-bagong presyo ng krudo.

Sinabi ng Senate President na nananatiling nakatuon ang kanyang legislative agenda sa pagprotekta sa mga Pilipino laban sa labis na pagbubuwis sa mahahalagang bilihin gaya ng langis at iba pang produktong petrolyo.