POA

Public school teachers may P1K incentive

165 Views

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month, may P1,000 cash incentive ang bawat guro sa pampublikong paaralan.

Ayon sa Department of Education (DepEd) spokesperson Atty. Michael Poa itutuloy ng ahensya ang probisyon ng World Teacher’s Day Incentive Benefit (WTDIB).

Sinabi ni Poa na isang programa ang isasagawa ng DepEd sa Oktobre 5, National Teachers’ Day.

Nauna ng kinilala ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang kahalagahan ng mga guro sa paghubog sa mga kabataan.