Batangas1

4 ‘caught in the act’ sa Batangas shabu buy-bust

66 Views

Batangas

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Apat na kalalakihan ang naaresto ng mga kapulisan sa drug buy-bust n noong Miyerkules sa Brgy. Lapu-Lapu, Ibaan, Batangas

Ayon kay Batangas Police Director PCOL Meliton A. Salvadora Jr., ang mga suspek ay nakilalang sina alyas Ricky, 39, walang trabaho; alyas Jun, 43; alyas Joel, 51, katulong; at isa pang alyas Byron, 23, binata, panday, pawang mga residente ng Brgy. Lapu-Lapu, ng nabanggit na bayan.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga suspek ay dinampot matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa police na poseur-buyer.

Ang operasyon ay isinagawa ng Ibaan Municipal Police Station na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na piraso ng heat-sealed na transparent plastic sachets na may bigat na tatlong gramo at nagkakahalaga ng P20,400; buy-bust money, isang kalibre .22 revolver, at apat na bala para sa nabanggit na baril at apat na cellphone.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng pulisiya ng Ibaan at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).