Tuppence

Pagtalaga ng opisyal dapat base sa merito, kakayahan — Grupo sa BOC

35 Views

ISANG grupo ng mga empleyado at stakeholders ng Bureau of Customs (BOC) ang naghain ng reklamo kay Finance Secretary Frederick Go at kinuwestyon ang pagtatalaga ng isang opisyal ng ahensiya sa Port of Manila.

Nakasaad sa reklamo na sa ilalim ng 1987 Constitution, ang anumang civil service appointments ay dapat naka-base sa merito at kakayahan.

Malinaw din sa rules ng Civil Service Commission na pinagbabawalan ang appointing authority na bigyan ng paborableng appointment o pwesto ang kaanak na nasa loob ng “third degree of consanguinity” o “affinity”

Sa ilalim ng Anti Graft and Corrupt Practices Act, ang mga public officers ay hindi dapat nagbibigay ng unwarranted benefits o pabor sa kanilang kamag-anak.

Ang Port of Manila ay ikalawa sa pinakamalaki at pinaka-kritikal na international gateway sa bansa at dito nagaganap ang higit sa kalahati ng global trade.

Sa parehong reklamo ay kinuwestyon din ang pag-demote sa isa pang opisyal ng BOC.

Sa kabila ng demosyon, parehong sahod pa rin umano ang tinatanggap ng nasabing opisyal na paglabag umano sa CSC Rules patungkol sa hierarchy.

December pa noong nakaraang taon nang ihain ang reklamo sa Department of Finance.

*Dahil dito, nagpasya na din ang mga complainant na iparating ang kanilang reklamo sa Office of the President, Office of the Ombudsman, Department of Justice, at National Bureau of Investigation.