Calendar
Source: DMW
45 OFW, 15 kaanak, mula Dubai nasa Pinas na




DUMATING na sa bansa ang 45 na overseas Filipino workers (OFWs), kasama ang kanilang 15 na kaanak, na lumikas mula sa Dubai, United Arab Emirates. Sila ay sakay ng commercial flights na Emirates Airlines EK 330 at EK 336, na lumapag noong Abril 23 sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.
Maayos na naipatupad ang repatriation program sa pamamagitan ng whole-of-government approach, na pinangungunahan ng Department of Migrant Workers, katuwang ang Embahada ng Pilipinas sa UAE, Migrant Workers Office sa Dubai, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at MIAA Medical Team.
Bukod sa pagbigay ng paunang tulong pinansyal at transport services, isinasagawa rin ang assessment para sa kanilang reintegration. Layunin nitong matulungan silang makapagsimulang muli sa kanilang pagbabalik sa bansa sa ilalim ng National Reintegration Network.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking mabibigyan ng kinakailangang suporta ang bawat OFW upang makabangon at makapagsimula muli.
