Calendar
File photo
Naaagnas na paa na tao nahukay sa QC
NATAGPUAN ng isang residente ang putol na kaliwang paa ng tao habang naghuhukay para magtanim ng gulay sa likod ng bahay sa Novaliches, Quezon City noong Biyernes.
Dakong alas-11:00 ng umaga ng madiskubre ang putol na paa sa Sitio Gamayo, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, ayon sa report.
Ayon sa report, naghuhukay ang residente para magtanim ng mapansin ang dilaw na plastik.
Binuksan ito ng naghuhukay kaya tumambad ang naaagnas na putol na kaliwang paa ng tao na may habang 1.3 feet.
Sinabi ng may-ari ng lugar na dalawang linggo na ang nakalipas nang magpatambak siya ng lupang hinakot mula sa Tullahan River para panambak sa kanyang bakuran.
Rumesponde ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng QCPD Forensic Unit at dinala ang putol na paa sa JROA funeral service para sa safekeeping.
