Calendar
Testimonial dinner sa mga CCC board passers ginanap, Leachon nakiisa
CALAPAN CITY–Nakiisa si Mayor Doy Leachon sa testimonial dinner ng City College of Calapan (CCC) bilang parangal sa mga board passers noong September 2025 Licensure Examination for Teachers (LET) at Librarian Licensure Examination.
Ang nasabing programa ay may temang “Honoring the Journey, Celebrating the Legacy” na idinaos sa Kalap covered court.
Dumalo ang mga bagong guro, librarian at kanilang mga magulang at mga key officials ng kolehiyo sa pamumuno ni Administrator Dr. Ronald Cantos.
Binati ni Mayor Leachon ang mga passers na patuloy na magsumikap at ipinapaalala niya na gawing sentro ng kanilang pangarap ang sarili, pamilya at ang buong bayan.
Binigyang-diin din ng alkalde na sila ang buhay na patunay na ang edukasyon ang greatest equalizer na makakatulong upang maiahon ang buhay ng sinuman.

