Calendar
Lalaki arestado sa paihi
NATIMBOG ng mga pulis ang lalaking sangkot sa ilegal na pangangalakal at pamamahagi ng mga produktong petrolyo noong Biyernes sa Purok 3, Mataas na Bayan, Lemery, Batangas, ayon kay Batangas Police Director P/Col. Meliton Salvadora Jr.
Naaresto ang 36-anyos na suspek na may pag-iingat na mga produktong petrolyo, tanker truck at mga kagamitan na may tinatayang mahigit P11 milyon.
Dinala ang suspek kasama ang mga nasamsam na bagay sa Criminal Investigation and Detection Group Batangas Provincial Field Unit para sa dokumentasyon at kaukulang legal proceedings.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) na tugunan ang mga ilegal na aktibidad na nakakaapekto sa kaligtasan ng publiko at katatagan ng ekonomiya, ayon sa pulisya.
Pinuri ni PNP Chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga operating unit sa kanilang aksyon.

