Wellness

LP nagkaroon ng April wellness activity

Edd Reyes May 3, 2026
25 Views

NAGSAMA-SAMA ang 500 kababaihan na kasapi sa Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) mula sa District 1 at 2 ng Las Piñas City para sa Alagang April wellness activity ni Mayor April Aguilar.

Inilaan ang araw ng Linggo upang kilalanin ang natatanging galing at puso na mayroon ang bawat kababaihan na ipinagmamalaki ng Las Piñas.

Nakatanggap ng libreng pagkain at 3 kilos ng bigas ang mga dumalo at mayroon ding libreng haircut, makeup, eyelash extension at massage.

Pinangunahan ni City Social Welfare and Development Office Head Lowefe Romulo at kanyang staff ang programa at nagpakita ng buong suporta sina Vice Mayor Mel Aguilar, Councilor Alelee Aguilar at Councilor Macky Saito.