Parak kilala na 1 sa killer ni Mariano

Alfred Dalizon May 5, 2026
25 Views

KILALA na ng mga ahente ng Special Investigation Task Group (SITG) Mariano ang isa sa mga pumatay sa 75-anyos na si Ceferino ‘Perry’ Mariano at driver niya noong Abril 30, ayon kay Philippine National Police spokesperson Brigadier General Randulf Tuaño.

Nakilala ang identity ng isa sa mga suspek sa paghawak sa mga handlebars na kinunan ng fingerprints.

Ayon kay QCPD headed Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, narecover ang getaway motorcycle at mga guns-for-hire na nasa likod ng pagpatay.

Sinabi ni Brig. Gen. Silvio na ang dalawa’y tumakas matapos barilin ang mga biktima.

Naglakad ang mga killer hanggang sa Scout Borromeo at doon sumakay ng tricycle papuntang Quezon Avenue.

Nagpalit ng damit ang mga hitman, ayon kay QCPD Station 10 commander, Lieutenant Colonel Zachary Capellan at nalaman na ang Vehicle File Number 1303-0900433 ng motor na gamit ng mga killer naka-issue sa Honda Click.

“Apparently, kinopya at ni-reproduce ang MV File Number ng Honda Click ng mga suspects,” sabi ng official.

Kilala si Mariano na patron ng billiard at maraming bars na pag-aari. Namatay siya sa East Avenue Medical Center matapos ang pamamaril.

Apat na tama ng bala ang ikinamatay ni Mariano.

Naglabas ang mga pulis ng litrato ng mga suspek at inanyayahan ang sinuman na tumawag sa Emergency Hotline 911, QC Helpline 122 o 09985987960 sa sinumang may nalalaman tungkol sa pagpatay.