Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
Mayorya ng NUP inaasahang boboto ng pabor sa impeachment vs VP Sara
Peoples Taliba Editor
May 6, 2026
349
Views
NASA 30 sa 55 miyembro ng National Unity Party (NUP) ang inaasahang boboto pabor sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa kumpirmasyon ni House Deputy Speaker at NUP Chairperson Ronaldo Puno.
Ayon kay Puno, malinaw na mayorya ng kanilang hanay ang pabor sa panukalang pagpapatalsik, habang papalapit ang botohan sa Articles of Impeachment na nakatakda sa Mayo 11.
Sa ilalim ng proseso sa Kamara, kinakailangan ng 106 na boto para maipasa at ma-transmit sa Senado ang impeachment case laban sa Bise Presidente para sa susunod na hakbang ng paglilitis.

