Senado

Hiling na maging Pinoy nina Boatwright, Ramos tinalakay sa Senado

32 Views

Senado1Senado2Senado3Senado4SINIMULAN ng Senado ang pagtalakay sa mga panukalang magbibigay ng Philippine citizenship kina basketball player Bennie Francois Boatwright III at wrestler Matthew James Ramos, habang inilarawan ng mga mambabatas ang mga panukala bilang usapin ng sports, serbisyo at pananagutan sa pagdadala ng watawat ng Pilipinas.

Pinangunahan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights, ang pagdinig sa naturalization bills nina Boatwright at Ramos.

Sinabi ni Pangilinan na ang naturalization ay isang “act of faith” sa bansang nais tawaging sariling bayan ng isang tao.

“Naturalization is an act of faith in what a country can be. It is a sort of gamble on the country you wish to call your own,” ani Pangilinan sa kanyang opening statement.

Sinabi niya na sina Boatwright at Ramos ay sumusugal sa Pilipinas, habang ang bansa ay sumusugal din sa kanila.

“Bennie Boatwright and Matthew Ramos are here today. They wish to become Filipino citizens. But in as much as they are taking a chance on the Philippines, we are also – the country is also taking a chance on them,” ani Pangilinan.

Tinalakay ng komite ang House Bill No. 6639 at Senate Bill No. 1595 para kay Boatwright, at House Bill No. 6644 at Senate Bill No. 1613 para kay Ramos.

Si Boatwright ay 6-foot-10 forward mula Los Angeles na, ayon kay Pangilinan, dumaan sa injuries at setbacks sa NBA G League at iba’t ibang international leagues.

Sinabi ni Pangilinan na patuloy na bumabalik si Boatwright sa Pilipinas, pinangunahan ang San Miguel Beermen sa isang championship, at muling isusuot ang kulay ng koponan at, kung mapagkakalooban ng citizenship, ang kulay ng pambansang watawat.

“Bennie is a 6-foot-10 forward from Los Angeles. He has fought through injuries and setbacks across the NBA G League and international leagues. Yet, he keeps returning to the Philippines.

He has led the San Miguel Beermen to a championship and is now coming back again to don their colors and, God-willing, the colors of our flag,” ani Pangilinan.

Si Ramos ay ipinanganak sa Naperville, Illinois sa Pilipinong ama na si Cresente Holanday Ramos.

Inilarawan siya ni Pangilinan bilang cadet world champion at NCAA All-American na tumulong iangat ang Purdue University sa wrestling habang hayagang ipinapahayag ang pagnanais na lumaban para sa Pilipinas.

“Matthew, on the other hand, was born in Naperville, Illinois to a Filipino father, Cresente Holanday Ramos. He has etched his name in wrestling history as a cadet world champion and NCAA All-American, toppling legends and lifting Purdue University to new heights while proudly declaring his desire to wrestle for the Philippines,” ani Pangilinan.

Sinabi ni Pangilinan na titingnan ng hearing ang pagnanais ng mga atleta na maging Filipino citizens, kung paano nila mapalalakas ang national teams, at kung paano pinalalawak ng citizenship ang hanay ng mga taong handang ialay ang talento at prime years para sa Pilipinas.

Ayon sa kanya, kayang pag-isahin ng sports ang mga Pilipino sa tagumpay man o pagkatalo.

“Through basketball and wrestling, Bennie and Matthew have chosen to carry our flag into the most demanding arenas of global competition,” ani Pangilinan.

“Sports can be one of the purest languages of nationalism and patriotism,” dagdag niya.

Sinabi niya na nagtitipon ang mga Pilipino sa iisang simbolo ng bansa kapag lumalaban ang mga atleta sa ilalim ng pangalan ng Pilipinas.

“In victory and in defeat, we gather around the same three stars and the sun. We sing the same Lupang Hinirang. And we feel the same pulse of pride for the nation whose name is stitched across the athlete’s chest or thigh,” ani Pangilinan.

Nagpahayag din ng suporta si Senador Jose “Jinggoy” Estrada sa naturalization bills, at sinabing ang pribilehiyo ng citizenship ay may kaakibat na tungkuling katawanin ang bansa.

“This privilege given to the serving foreigners involved in sports carries with it the responsibility to carry the national flag in the international competitions,” ani Estrada.

Sinabi ni Estrada na maaaring magbigay ang Kongreso ng Filipino citizenship sa foreign nationals bilang pagkilala sa exemplary service o malaking kontribusyon sa bansa.

“The combination of world-class skill and puso ng Pinoy (Filipino heart) would definitely give us a good standing in the international stage,” ani Estrada.

Sinabi ni Pangilinan, na naglaro ng university volleyball noong kanyang kabataan, na pinahahalagahan niya ang oportunidad para sa mga atleta na lumaban para sa bansa.

Nananatiling nakabinbin sa komite ang mga panukala habang nagpapatuloy ang naturalization process sa Senado.