Sandro

Panukalang nagpapalawak sa 4Ps program aprubado na sa Kamara

Mar Rodriguez May 6, 2026
28 Views

DyINAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagpapalawak sa Pantawid, Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang suporta sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sa pamamagitan ng botong 224 bilang pabor, tatlo ang tumutol at walang abstention, pormal ng pinagtibay sa Plenaryo ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 8647 na nagpapalawak at nagpapatibay sa 4Ps program para mas marami pang mahihirap na mamamayan ang matulungan nito.

Layunin ng HB No. 8647 na dagdagan ang suporta para sa mahihirap na pamilya habang lumilikha ng mas malinaw na landas para sa edukasyon, livelihood at ang tuluyang pagtatapos (graduation) ng isang benepisyaryong mag-aaral.

Sinabi ni House Majority Leader atIlocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A Marcos na sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie “ G. Dy III na pinapanatili ng HB No. 8647 ang orihinal na layunin ng 4Ps.

Hindi lamang nito tinutugunan ang pang-araw araw na pangangailangan ng mahihirap na pamilya, ipinaliwanag pa ni Marcos, bagkos ay tinuturuan din sila na sa kalaunan ay makatayo rin sarili nilang paa na hindi na kailangan pang umasa.

“Dapat tulungan ng 4Ps ang mga pamilya sa pinakamahirap na taon. Ngunit dapat din itong magsilbing tulay tungo sa mas mabuting kita, mas magandang edukasyon at mas mahusay na mga pagpipilian para sa kanilang mga anak,” ani Marcos.

Ipinahayag naman ni Speaker Dy na ang pagpapalawig ng 4Ps program ang direksiyiong nais ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para sa proteksiyong panglipunan at sa pamamagitan ng kaniyang pamumuno. Titiyakin ng Kamara na makakarating sa mga pamilyang Pilipino ang pangmatagalang programa.