Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Vergeiri

HIV cases sa PH dumarami

252 Views

TUMAAS umano ang bilang ng mga nahawa ng HIV sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakapagtala ng dagdag na 1,346 HIV cases noong Hulyo.

Ngayong taon ay nasa 150,000 umano ang bilang ng mga mayroong HIV-AIDS sa bansa mahigit doble ng 72,000 HIV cases noong 2017.

Mula noong 2020 ay lumaki umano ang bilang ng mga nahahawa ng HIV dahil sa male-to-male sex.

Nanawagan si Vergeire sa mga nahawa ng HIV na alamin ang mga programa ng gobyerno para sa kanila upang malimitahan ang epekto ng naturang sakit.