Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Manggagawa laglag sa boga, droga
Jojo Cesar Magsombol
May 7, 2026
375
Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City–Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang 40-anyos na manggagawa matapos mahuling may pag-iingat na baril at ilegal na droga sa Brgy. Tinga Itaas ng syudad na ito noong Martes.
Kinilala ni Batangas police director P/Col. Meliton Salvadora Jr. ang suspek na si alyas Bito na nahuli matapos tangkain na ibenta ang iligal na droga sa isang poseur-buyer na miyembro ng pulisya. Nakumpiska mula sa kanya ang dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600, 12-gauge shotgun, buy-bust money, at iba pang ebidensya.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

