Calendar
Ayuda ipinamahagi sa GenTri
GENERAL TRIAS CITY, CAVITE–Nagbigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Luis ‘Jon Jon’ Ferrer IV at Vice Mayor Jonas Labuguen ng tulong financial sa sector ng transportation noong May 7 sa General Trias Sports Park sa Brgy. Santiago dito.
Nagbigay ng tig-P5,000 na ayuda sa unang batch ng mga rehistrado at may prangkisa na umabot sa 2,383 at mahigit 1,000 beneficiaries pa sa susunod na batch.
Ayon kay Mayor Ferrer, maglalaan din ng tulong para sa jeepney drivers, riders, at colorum drivers kasabay ng planong pagbibigay ng assistance sa pagsasaayos nila ng kanilang mga prangkisa.
“Malaking tulong na po ito para po sa aming mga namamasada, dala po ng taas ng presyo ng gas,” sabi ng mayor.
Sinisikap ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa General Trias na makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga tao.

