Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
33 gramo ng shabu nakuha sa 4 na suspek na tulak
Gil Aman
May 9, 2026
144
Views
APAT na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos mahulihan ng mahigit 33 gramo ng shabu, baril at mga bala sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, noong May 9.
Sa ulat ng Rodriguez police, kinilala ang mga arestadong suspek na sina alyas “Edlyn,” “Patrick,” “Alot” at “CJ.”
Aabot sa P224,400 ang nakumpiskang shabu sa apat na suspek bukod pa sa isang 9mm handgun, 9mm magazine at mga bala.
Naaktuhan ang mga suspek dakong alas-2:45 ng madaling araw na nagbebenta ng shabu.
Dinala sa Rizal Forensic Unit ang apat para sa drug test at forensic laboratory examination.
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

