Rep. Miguel

Malupit na pet owners pwedeng ma-ban sa pag-aalaga ng hayop sa panukala sa Kongreso  

Mar Rodriguez May 10, 2026
34 Views
INIHAIN ni Davao Oriental Rep. Miguel Almario ang House Bill No. 9126 na nagpapataw ng habang-buhay na pagbabawal sa pag-aalaga ng hayop sa sinumang pet owner na mapapatunayang nagmalabis o naging malupit sa kanilang alagang hayop.

Nakapaloob din sa panukalang batas ni Almario ang pagtatag ng National Animal Offender Registry upang matiyak ang epektibong pagpapatupad nito.
Inaamyendahan ng panukalang batas ang Republic Act No. 8484 o ang Animal Welfare Act sa pamamagitan ng pagdaragdag ng “perpetual ownership ban” bilang karagdagang parusa sa kasalukuyang pagkakakulong at mga multa na nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P100,000.
“Convicted animal abusers can walk into any pet store or shelter the next day and start the cycle over again.
That is a gap in the law, and it is the gap this bill closes. Those who forfeit their right to care for animals through violence should never get that right back,” pahayag ni Almario.
Pagbibigay diin ng kongresista na na ang mga sumuko sa kanilang karapatang mag-alaga ng mga hayop ay hindi na dapat pang bawiin ang katapatang iyon kailanman.
Ang panukalang National Animal Offender Registry ang magsisilbing pundasyon ng pagpapatupad, isang database para sa beripikasyon upang mapigilan ang mga nahatulang nagkasala na makakuha ng mga bagong hayop mula sa mga pet shop, breeder o shelter at pribadong bilihan.
Ayon kay Almario, target ng panukala ang isang modelong pakikipagtulungan sa mga itinatag na organisasyon para sa kapakanan ng mga hayop kabilang ang Philippine Canine Club Inc. at Feline Council of the Philippines, Inc.