Shabu

Shabu buy-bust, 2 tiklo

Edd Reyes May 10, 2026
31 Views

UMABOT sa P1.14 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska ng mga pulis sa buy-bust noong Sabado sa Muntinlupa City.

Nahuli sina alyas Har, 29, at Robert, 28, ng tanggapin ang markadong pera sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng ibinebentang shabu sa parking area ng Brgy. Alabang, ayon kay Southern Police District (SPD) director P/BGen. Glenn Oliver Cinco.

Dakong alas-11:30 ng gabi nahuli ang dalawa, ayon sa report.

Nakumpiska nina P/Maj. Cecilio Tomas, Jr. hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD, kay alyas Har ang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.020 milyon, buy-bust money at cellular phone, habang 100 gramo ng marijuana na may halagang P120,000 at 10 vape na naglalaman ng liquid marijuana ang nakuha kay alyas Robert.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay na tuloy-tuloy at mas pinaigting ang kampanya ng SPD laban sa ilegal na droga.

Mananatili tayong agresibo sa ating operasyon upang maprotektahan ang ating mga komunidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Southern Metro Manila,” pahayag ni BGen. Cinco.