News

NBI inulan ng tawag mula mga ‘biktima’ ng grupo ni Mabanta

Jon-jon Reyes May 10, 2026
32 Views

MabantaPic5PINALAYA na mula sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Facility ang social media personality at Peanut Gallery Media Network founder na si Franco Mabanta at apat pang akusado na indibidwal matapos maglabas ng release order ang Pasig Regional Trial Court Branch 167 noong Sabado, Mayo 9.

Kasunod ng pansamantalang paglaya ni Peanut Gallery Media Network (PGMN) CEO Franco Mabanta, ibinunyag ng NBI ang pagdami ng mga tawag at mensahe mula sa iba pang indibidwal na nagsasabing biktima sila ng mga aktibidad ng pangingikil ng grupo.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, mula nang pumutok ang balita tungkol sa pagkakaaresto kay Mabanta sa isang high-profile entrapment operation, ilang personalidad at dating opisyal ang nakipag-ugnayan para iulat na nakaranas sila ng katulad na panggigipit at pangingikil mula sa grupo.