Simbahan

Noveleta idineklarang patron ng pista si Nuestra Senora dela Paz

Dennis Abrina May 11, 2026
30 Views

Simbahan SimbahanPINAGTIBAY nina Noveleta Vice Mayor Dino Chua ang pagpapakilala sa Nuestra Señora De La Paz y Buenviaje-Reina de Noveleta, Santa Cruz de Noveleta, Santa Elena-Emperatriz ng Noveleta at Reyna ng Santacruzan at Banal na Krus bilang mga patron at patrona ng Noveleta.

Iginawad ni Noveleta, Cavite Mayor Davey Chua ang resolusyon, kasabay ng makasaysayang pagtatagpo ng mga patron at patrona sa salubungan ng Karakol noong May 2.

Iginawad sa simbahang Katolika ng Holy Cross at Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa pagdiriwang ng kapistahan.

Nasaksihan ito nina Rev. Fr. Benito ‘Troy’ De Castro ng Holy Cross Parish sa Poblacion at Fr. Ruel Casañada ng Shrine of Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Noveleta.

Taun-taon tuwing kapistahan ng mga patron ng naturang bayan, kinakaaliwan ang pagtatagpo ng mga imahe ng dalawang simbahan sa karakol ng bayan na maraming mga deboto at residente ang nakilahok dito.

Ipinapakita ni Noveleta, Cavite Mayor Davey Chua at Vice Mayor Dino Chua ang Resolutions 42 at 43 ng Sangguniang Bayan of Noveleta na nag-apruba sa Nuestra Señora De La Paz y Buenviaje-Reina de Noveleta, Santa Cruz de Noveleta, Santa Elena-Emperatriz ng Noveleta at Reyna ng Santacruzan at Banal na Krus bilang mga patron ng pista ng Noveleta noong Mayo 3.