Rep. Adiong

Kampo ni VP Sara labu-labo na–Rep. Adiong

Mar Rodriguez May 11, 2026
23 Views

NAGKAKAROON ng labu-labo sa kampo ni Vice President Sara Duterte dahil sila-sila mismo ay nagkokontrahan sa kanilang mga pahayag, ayon kay House Deputy Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Nagkakasalungatan ng pahayag ang mga panatiko ni Duterte, kung saan sinabi ng ilan na nakahanda na sila para sa Senado at ang iba naman ay hinaharang na makarating sa Mataas na Kapulungan ang impeachment complaint.

“Sinabi ng kampo ni VP Sara na nakahanda na daw sila, kung nakahanda na sila. Bakit iyong ibang mga supporters niya eh’ hinaharang na makarating sa Senado ang impeachment case? Nagsasalita sila na magkaka-iba ang tono,” sabi ni Adiong.

Iginigiit ng legal team ni VP Sara na handa na silang humarap sa Senado, samantalang ang iba naman sa kaniyang mga supporters ay nagsisikap na pigilan ang mga kongresista na maipadala kasong impeachment sa Senado.

Dahil dito, naniniwala si Adiong na ang nangyayaring kontradiksyon sa pahayag ng kampo ni Duterte ay maaaring makaapekto sa moral ng defense team ni VP Sara.

“Anomang pagsisikap na pigilan ang Kamara sa pagpapadala ng Articles of Impeachment ay sumasalungat sa naturang pahayag.

Ang kontradiksyong ito ay hindi maliit na isyu, tumatama ito sa puso ng depensa. Hayaan na lamang na makarating ang kaso sa Senado,” ang pahayag ni Adiong.