Jets

4 crew ng 2 jets buhay sa banggaan sa ere sa US air show

28 Views

Jets1IDAHO, USA–Nagbanggaan sa ere at sumabog ang dalawang military jets sa air show sa Mountain Home Air Force Base ng US state na ito noong Linggo.

Nakaligtas ang apat na crew at nakapag-eject bago bumulusok ang mga jets sa lupa.

Ang nagbanggaan na jets ay dalawang E/A-18G na nakatalaga sa Electronic Attack Squadron (VAQ) 129 sa Whidbey Island, Washington.

“Ang lahat ng apat na miyembro ng aircrew ay kasalukuyang sinusuri ng mga medikal na tauhan,” sabi ni Commander Amelia Umayam, tagapagsalita ng Naval Air Forces, US Pacific Fleet.

Rumesponde ang mga bumbero at rescue teams upang apulahin ang apoy at tiyaking ligtas ang mga sibilyan sa paligid.