Bitrics

Bgy. Pulong Balibaguhan binigyan ng bagong service vehicle

49 Views

Bitrics1

MABINI, Batangas — Pormal na ipinagkaloob ang isang bagong service vehicle para sa pamunuan at mga residente ng Barangay Pulong Balibaguhan sa bayang ito, kamakailan.

Ang pagbili sa nasabing sasakyan ay naisakatuparan sa pamamagitan ng alokasyon mula sa Local Government Support Fund (LGSF), na pinagsumikapan sa ilalim ng magkatuwang na pamumuno nina Batangas 2nd District Representative Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at Mayor Noel “Bitrics” Luistro.

Layunin ng proyektong ito na mas pagtibayin ang serbisyo publiko sa antas-barangay at tiyakin na mas mabilis, epektibo, at maagap na matutugunan ang mga emergency at pangangailangan ng komunidad.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga opisyal ng barangay sa lokal na pamahalaan dahil sa patuloy na suporta sa mga kanayunan na naglalayong ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan.