MWP

Katulong na MWP hinuli sa bigong pagtsugi

59 Views

MWP1BATANGAS CITY — Matagal umanong nagtago sa batas ang isang lalaking itinuturing na Provincial Most Wanted Person para sa kasong frustrated murder bago natimbog ng mga kapulisan noong Huwebes sa Lian, Batangas.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si alyas Dato, 34, na nagtatrabaho bilang katulong, at tubong Cawayan, Masbate.

Nakorner si ‘Dato’ ng mga elemento ng Lian Municipal Police Station (MPS), Cawayan MPS, at Masbate PPO sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ng RTC Branch 49 sa Cataingan, Masbate na may petsang February 29, 2024.

Inirekomenda ang P200,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Gumamit ang mga operatiba ng mga alternative recording devices upang matiyak ang transparency ng operasyon..

Matapos ihain ang warrant at basahin ang kanyang karapatan, dinala kaagad ang suspek sa Lian MPS habang inaayos ang pagbabalik ng warrant sa court of origin.