BI agents tinimbog Koreano na wanted ng Interpol
May 29, 2026
Sen. Jinggoy itinanggi mga paratang
May 29, 2026
QCPD pinaghahanap nanakit ng 73-anyos na TNVS driver
May 29, 2026
Nanghalay huli sa Valenzuela
May 29, 2026
Calendar
Provincial
Ina, 32, anak, 4, binugbog ng katulong, patay
Gil Aman
May 25, 2026
100
Views
PATAY ang ginang at 4-anyos niyang anak na lalaki matapos bugbugin ng 14-anyos nilang katulong noong Linggo sa Patria Subdivision, Barangay Del Remedio, San Pablo City, Laguna.
Sa ulat ni PLt. Col. Mederic Villarete, ang San Pablo police chief, kinilala ang mga nasawi na sina alyas “Maria” na 32-anyos at anak niyang si alyas “Kid.”
Naaresto ang suspek at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Dakong alas-10 ng gabi naganap ang panggugulpi ng suspek.
Galit umano sa mga biktima ang suspek dahil parating pinagbibintangang kumuha tuwing may nawawala sa bahay.
Dahil sobra na ang galit sa mga biktima, hinataw ng kahoy ng suspek ang mag-ina at iyon ang ikinamatay ng mga ito.
MAYOR BITRICS PAPALAKASIN TURISMO NG MABINI
May 28, 2026
Paglulunsad ng Laguna Youth Patrollers dinumog
May 27, 2026

