Calendar
Ina, 4-anyos na anak dedo sa bugbog na katulong, 14

PATAY ang 32-anyos na ginang at ang kanyang apat na taong gulang na anak na lalaki matapos bugbugin umano ng 14-anyos na katulong Linggo ng gabi sa Patria Subdivision, Brgy Del Remedio, San Pablo City, Laguna.
Sa ulat ni PLTCol Mederic Villarete, San Pablo Police Chief, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Alyas Maria at ang kanyang anak na lalaki na si Alyas Kid.
Ayon sa pulisya, si ‘Kid’ ay nagtamo ng sugat sa ulo bunsod ng palo ng naarestong suspek.
Agad naman naaresto ang suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development(DSWD).
Ayon sa imbestigasyon, dakong 10:00 ng gabi naganap ang krimen.
Ayon sa pulisya, isinalaysay umano ng suspek na galit ito sa mga biktima dahil parati itong pinagbibintangan sa mga nawawalang gamit sa bahay.
Napuno na umano ang suspek at sinugod ang mga biktima.

