Hot News

Marcoleta, 3 pa banned magbiyahe abroad dahil sa kasong plunder

57 Views
Marcoleta1
Source: Rodante Marcoleta FB

INILABAS na ang Precautionary Hold Departure Order (PHDO) ng 7th Division ng Sandiganbayan laban kina Sen. Rodante Marcoleta, dating Quezon City Rep. Mike Defensor, at dalawa pang negosyante.

Kaugnay ito ng reklamong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46 na inihain sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y ₱75 milyong campaign donation.

Bukod sa mga naturang reklamo, nahaharap din umano si Marcoleta sa tatlong bilang ng indirect bribery.

Sa ilalim ng PHDO, pansamantalang hindi maaaring bumiyahe palabas ng bansa ang mga nasabing personalidad habang dinidinig ang kaugnay na usapin sa korte.