Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Batangas

2 timbog sa droga, boga sa Tanauan

27 Views

Batangas1

TANAUAN City–Swak sa rehas na bakal noong Sabado ang isang lalaki at ang kanyang kinakasama matapos nakumpiskahan ng baril at 7 gramo ng hinihinalang shabu sa lungsod na ito.

Target ng search warrant ang suspek na si alyas King dahil sa pag-iingat ng iligal na armas.

Nakuha kay alyas King ang isang Norinco .45-caliber pistol, isang magasin at anim na bala.

Tumambad naman sa kwarto ng kanyang live-in partner na si alyas Catherine ang pitong gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga suspek para sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso sa piskalya.