Bantay

Parak sa PRO 4A inaresto 111 kriminal

23 Views

Bantay1

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Naaresto ang 111 suspek sa mga kaso sa Police Regional Office 4A mula Mayo 25 hanggang Hunyo 1, ayon kay PRO 4A chief P/BGen. Hansel Marantan.

Sa kabuuan, 80 ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest, habang 31 ang nadakip sa mga warrantless operations sa Oplan Bantay Dangal.

Batay sa ulat ng operasyon, 33 ang naaresto dahil sa paglabag sa RA 8353 at 14 sa paglabag sa RA 11648.

Samantala, 24 ang naaresto dahil sa acts of lasciviousness, 26 sa RA 7610, apat sa RA 9995, apat sa RA 11313 at anim para sa iba pang sexual offenses.

“Patuloy nating pinaiigting ang ating kampanya laban sa mga lumalabag sa batas, lalo na sa mga sangkot sa karahasan at pang-aabuso.

We will not tolerate these acts, and we will ensure that those responsible will feel the full extent of the law,” sabi ni Marantan.

Ang OPLAN Bantay Dangal ay bahagi ng kampanya ng PRO 4A laban sa mga wanted persons at sexual offenders alinsunod sa mandato ng Philippine National Police sa ilalim ng pamumuno ni PNP chief P.Gen Jose Melencio Nartatez Jr.