Speaker Dy suportado PH version ng 911 ng US
Jun 2, 2026
Truck vs motor: 2 utas
Jun 2, 2026
Calendar
Nation
Senado dapat mag-sesyon– Hontiveros
PS Jun M. Sarmiento
Jun 2, 2026
25
Views
HINDI dapat “patahimikin” ang Senado dahil ito ang boses ng mamamayan sa paggawa ng batas, mga imbestigasyon, budget debates at impeachment trials, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.
Tinanggihan ni Hontiveros ang panawagan ni Senate President Alan Peter Cayetano na hayaang “go quiet” ang Senado bilang paninindigan para sa kalayaan ng Senado.
“Hindi issue ang Senate independence sa mga pangyayari that led up to yesterday at sa mga pangyayari kahapon. ‘Yan po ay tungkol sa rule of law at saka accountability,” sabi ni Hontiveros.
Bahagi ng legal na proseso sa flood-control controversy ang aksyon ng Sandiganbayan laban kay Estrada, sabi ng babaeng senador.
Sumuko si Estrada matapos maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa kanya sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng flood-control irregularities.
Itinanggi niya ang mga alegasyon at sinabi niyang handa siyang ipagtanggol ang sarili sa korte.
Hindi nabuksan ang sesyon ng Senado nitong Lunes matapos hindi humarap sa plenaryo ang majority bloc at ang presiding officer.
Bababa sa floor ang minority at handang magtrabaho, ayon sa senador.
Ayon kay Hontiveros, nanatiling nakabinbin ang ilang usapin, kabilang ang mga panukala laban sa online sexual abuse and exploitation of children, Magna Carta of Barangay Health Workers at Anti-Hospital Detention Bill.
Maaaring maapektuhan ang mga usapin sa Commission on Appointments, kabilang ang kumpirmasyon ng defense officials at tatlong heneral na maaaring magretiro sa sine die break.
Kinuwestiyon din niya kung paano makalilikha ng Blue Ribbon subcommittee kung hindi pa kumpleto ang buong Blue Ribbon Committee.
Itinanggi niya ang mga pahiwatig na kontrolado ng Malacañang ang minority bloc at tinawag na nakakainsulto ang alegasyon.
Ang “unifying step” ni Cayetano ay dapat pagbubukas ng sesyon at pagpapahintulot sa mga senador na talakayin sa floor ang mga nakabinbing usapin.
Kung walang pormal na pagbubukas ng sesyon, quorum at presiding officer, hindi makakilos ang Senado sa mga nakabinbing usapin.
Speaker Dy suportado PH version ng 911 ng US
Jun 2, 2026
NBI: Kasong kriminal vs Rep. Barzaga nakaamba
Jun 2, 2026
