Senior

Lolo na may kasong frustrated murder inareso paglabas sa NAIA mula Jeddah

Edd Reyes Jun 4, 2026
45 Views

INARESTO ng mga awtoridad ang 61-anyos na pasahero nang dumating sa bansa mula sa Jeddah noong Miyerkules sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Kaagad isinilbi ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) at Pasay City Police ang warrant of arrest laban sa senior citizen na pasahero na nahaharap sa kasong Frustrated Murder nang abangan siya sa arrival area ng paliparan.

Pansamantalang idinitine sa Custodial Facility ng Pasay City Police Station ang akusadp upang isailalim sa domumentasyon habang hinihintay pa ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

“Ang agarang aksyon ng ating kapulisan ay patunay sa ating mandato na panatilihing ligtas ang bawat paliparan sa bansa,” pahayag ni AVSEGROUP Director P/BGen. Dionisio Bartolome Jr.