Calendar
Ang traditional salute para kina Mayor Richie David at Vice Mayor Grace David sa umpisa ng graduation rites sa Limay Polytechnic College.
Limay Polytechnic College batch ’26 nagtapos
LIMAY, BATAAN – Panauhing pandangal sina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David sa pagtatapos ng batch 26 ng Limay Polytechnic College noong Biyernes.
“Isang makabuluhang pagdiriwang ang ginanap sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng Limay Polytechnic College,” sabi ng mag-asawang pulitiko.
Ang pagtatapos, na may temang “Competent Job-Ready Graduates for Global Impact,” ayon sa mayor, ay paraan para ipamalas ng bawat nagsipagtapos ang kanilang sipag, tiyaga at dedikasyon bilang paghahanda sa mas malawak na mundo na kanilang tatahakin.
Dumalo sa okasyon si Dr. Lora Yusi, Director IV, Office of Institutional Quality Assurance and Governance ng Commission on Higher Education (CHED).
Nagbigay siya ng inspirational message para sa mga mag-aaral na nagsipagtapos.
“Taos-puso ring pasasalamat sa ating mga guro at non-teaching staff na walang sawang gumabay at humubog sa kakayahan at kinabukasan ng bawat estudyante. Ang araw na ito ay hindi lamang pagtatapos, kundi simula ng panibagong yugto ng tagumpay,” sabi ng mag-asawang mayor at vice mayor.

