Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

29 suspek sa krimen tiklo sa QC

35 Views

ARESTADO ang 29 na suspek sa mga krimen sa mga operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) noong Hunyo 5.

Ayon kay QCPD director PBGen. Randy Glenn Silvio, kabilang sa mga nadakip si alyas Jefferson, 40, na nahuli sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Nahaharap siya sa dalawang bilang ng qualified rape at acts of lasciviousness.

Nasakote rin si alyas Wida, 60, dahil sa kasong illegal recruitment.

Arestado rin si alyas Aileen, 41, na may nakabinbing kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nadakip si alyas Gabriel, 36, sa 10 bilang ng kasong paglabag sa Bouncing Checks Law.

Nahuli rin si alyas Adrian, 21, na nahaharap sa mga kasong statutory rape at acts of lasciviousness.

Nagsilbi rin ng warrant of arrest ang pulisya kina alyas Genesis, 37, Jomar, 31, at David, 43, na pawang may mga kasong paglabag sa anti-illegal drugs law.

Sinabi ni Silvio na magpapatuloy ang pinaigting na operasyon laban sa mga wanted person upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kaayusan sa Quezon City.