Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Relocation houses ng ‘Tunnel Community’ handa na

Jun I Legaspi Jun 7, 2026
36 Views

INIHAHANDA na ng National Housing Authority (NHA) ang bagong housing project sa San Ildefonso, Bulacan na lilipatan ng tinaguriang Tunnel Community ng 91 pamilya na nakatira sa ilalim ng Osmeña highway sa Manila.

“Inaatasan ko ang NHA Region III na ayusin at ihanda ang mga available housing units para sa paglilipat at pagdating ng ating mga benepisyaryong galing sa bahagi ng mga pamilyang nakatira sa Tripa de Gallina “Tunnel Community,” sabi ni NHA General Manager Joeben Tai.

Matatagpuan ang St. Ildefonsus housing project sa San Ildefonso, Bulacan.

Bago ang paglipat, binisita ng ilang pamilya ng Tunnel Community ang lugar para makita ng aktwal ang kanilang lilipatan.

Bahagi ang relocation site ng programa ng pamahalaan sa ilalim ng Bagong Pilipinas.