Arestado

5 LGBTQ suspek sa panghahalay ng Columbian nasakote

Edd Reyes Jun 8, 2026
48 Views

TIMBOG ang limang miyembro ng LGBTQ na puwersahang gumawa ng kahalayan sa 23-anyos na lalaking Columbian tourist sa Makati City.

Naaresto naman kaagad ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang limang suspek na nasa pagitan ng edad na 18 hanggang 23 na pawang residente umano sa lalawigan ng Pampanga.

Sa nakarating na ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin, naglalakad ang biktima sa Kalayaan Street, malapit sa Salamanca St., Brgy. Poblacion dakong alas-9:45 noong Linggo ng umaga nang lapitan siya ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer at nagpumilit na samahan siya sa pupuntahan.

Nang tumanggi ang dayuhan, dito na siya puwersahang minolestiya, paghahalikan, at hipuan ng mga suspek na dahilan para humingi na ng tulong sa nagpapatrulyang tauhan ni Makati police chief P/Col. Pedro Alagano, Jr. na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. o Safe Spaces Act.

“We encourage victims and witnesses to immediately report incidents to the police so that appropriate action can be taken and offenders may be held accountable under the law,” panawagan ni P/BGen. CINCO.